Tungkol sa Kampanya
Ang Family We-time Campaign 2025, na isinasaayos ng Consortium of Institutes on Family in the Asian Region (CIFA), ay isinusulong ng Jockey Club SMART Family-Link Project, na inilunsad at pinondohan ng The Hong Kong Jockey Club Charities Trust.
Kami ay nasasabik na pag-isahin ang mga pamilya sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag sa kampanya ngayong taon. Inaanyayahan ang mga kalahok na magpasa ng mga litrato ng pamilya o mga gawaing pangkulay na nakatuon sa dalawa sa mga megatrends na isinusulong ng United Nations: New Technologies (Bagong Teknolohiya) at Urbanisation & Migration (Urbanisasyon at Migrasyon) (Ang iba pa ay ang Pagbabago ng Klima at Pagbabagong Demograpiko).
Layunin ng kampanya na itaas ang kamalayan sa dalawang megatrends na ito, na hinihikayat ang mga pamilya na positibong harapin at tugunan ang mga hamon upang mapabuti ang kapakanan ng pamilya. Maaaring kabilang sa mga tema ang epektibong paggamit ng bagong teknolohiya, pagiging inklusibo sa lipunan, at pagbuo ng mga koneksyon sa lipunan. Ang mga piling gawa ay itatanghal sa isang malikhaing collage sa isang Family We-time Online Gallery. Ang mga kalahok ay makakatanggap ng e-certificate bilang pagpapahalaga pagkatapos magpasa.

Impormasyon sa Pagsusumite
Pangunahing Impormasyon
Pamantayan sa Pagiging Karapat-dapat
- Nakabatay sa pamilya na may 2 henerasyon o higit pa
- Maaaring sumali ang mga pamilya sa Asya
- Ang bawat tao ay maaaring magsumite ng hanggang 5 gawa
Deadline ng Pagsusumite
- 14 Setyembre 2025, Linggo
Mga Uri ng Pagsusumite
- Mga larawan ng pamilya at / o pangkulay na mga likhang sining.
Bayarin sa Pagpaparehistro
- Walang bayad
How to Participate
Para sa pangkulay:
- Pumili at i-download ang itinalagang coloring sheet mula sa aming website, i-print ito sa A4 na sukat na papel (297 x 210 mm).
- Maaring gumamit ng kahit anong gamit pangkulay o pintura. Hindi pinahihintulutan ang pagkulay gamit ang kompyuter o anumang three-dimensional na pamamaraan tulad ng stickers, glitter, crepe paper, at iba pa.
- Maaari kang magdagdag ng mga disenyo sa itinalagang coloring sheet upang pagyamanin ang komposisyon sa pagpapahayag ng mga tema ng Bagong Teknolohiya o Urbanisasyon at Migrasyon.
Para sa Photography:
- Ang mga gawa ay dapat orihinal na digital na mga litrato. Anumang pag-eedit sa kompyuter, kabilang ang pagdaragdag, pagbabawas, o pagbabago nang malaki sa mga kulay, ay hindi tatanggapin.
- Ang mga larawan ay dapat umayon sa mga tema ng Bagong Teknolohiya o Urbanisasyon at Migrasyon.
Mga Alituntunin sa Pagsusumite:
- Pagkatapos magparehistro, isumite ang iyong mga orihinal na digital na litrato o mga gawaing pangkulay sa format na JPEG, JPG, o PNG sa pamamagitan ng aming website.
- Limang gawa lang ang pwedeng isumite. Bawat larawan o kulay na ipapasa, hindi dapat lumagpas sa 10 MB ang laki ng file.
Mga Tuntunin at Kundisyon
- Ang lahat ng gawa ay dapat isumite sa "Family We-time" na online registration portal. JPEG, JPG, o PNG lamang na mga electronic file ang aming tatanggapin. Kapag naisumite na ito, hindi na po ito maaaring baguhin, palitan, o bawiin. Hindi rin po dapat sumali ang isinumiteng gawa sa iba pang paligsahan o kaganapan.
- Dapat orihinal ang mga isinumite at hindi dapat lumabag sa karapatan ng sinuman, tulad ng karapatang-ari, karapatang maglihim, o karapatan sa privacy. Ang sinumang sumuway sa mga patakaran ay hindi pahihintulutang sumali.
- Kung ang mga ipinasa ay sumasalungat sa anumang batas, ang lahat ng legal na pananagutan ay sasagutin ng mga kalahok, at ang tagapag-organisa ay hindi mananagot.
- Kinakailangan tiyakin ng mga kalahok na ang mga isinumite ay hindi naglalaman ng pornograpiko, marahas, negatibong mensahe o komersyal, relihiyoso, o pampulitikang propaganda, at hindi bumubuo ng paninirang-puri, malaswa, nakakainsulto, pagkakaunawaan ng lahi, o mga isyu ng diskriminasyon.
- Hindi pinapayagan ang mga kalahok na magdagdag ng teksto, simbolo, o larawan na maaaring kumatawan sa personal na impormasyon, tulad ng mga lagda, border, at watermark, atbp. sa mga ipapasang likha.
- Ang karapatang-ari (copyright) ng lahat ng isinumiteng gawa ay pagmamay-ari ng tagapag-organisa. Karapatan ng tagapag-organisa na suriin ang mga isinumiteng likha at gamitin ang mga ito para sa mga layuning hindi pangkalakalan lamang, kabilang ngunit hindi limitado sa anumang publisidad, eksibisyon, at layunin ng paglilimbag nang walang paunang pahintulot ng mga kalahok at pagbabayad ng anumang bayarin sa karapatang-ari at pananagutang legal.
- Ang mga kalahok ay sumasang-ayon na magbigay ng kanilang personal na impormasyon para sa layunin ng pakikipag-ugnayan kaugnay ng kaganapan at pamamahagi ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng tagapag-organisa. Kung nanaisin ng mga kalahok na ipabura sa tagapag-organisa ang kanilang personal na impormasyon pagkatapos ng kaganapan, kinakailangan nilang ipagbigay-alam ito sa tagapag-organisa sa pamamagitan ng email.
- Ang resulta ng mga napiling likha na gagamitin sa malikhaing collage ay depende sa desisyon ng organizer, at hindi dapat tumutol ang mga kalahok. Ang desisyon ng organizer ay pinal na.
- Dapat maunawaan nang malinaw ng mga kalahok ang mga patakaran ng kaganapan, at ang pagsumite ng mga likha ay nangangahulugang sumasang-ayon silang sumunod at tanggapin ang lahat ng mga tuntunin at kundisyon ng kaganapang ito. Dapat akuin ng mga kalahok ang lahat ng panganib at sila ang mananagot para sa kanilang sariling kaligtasan. Hindi mananagot ang tagapag-organisa para sa anumang pagkawala o pinsala na nagmumula sa o may kaugnayan sa kaganapang ito o sa iba pang panahon habang nagaganap ito.
- Ang desisyon ng tagapag-organisa ay pinal pagdating sa interpretasyon at pagbabago ng mga tuntunin at kundisyong ito.

The Jockey Club SMART Family-Link Project
Inaprubahan ng Hong Kong Jockey Club Charities Trust ang humigit-kumulang HK$330 milyon para simulan ang "Jockey Club SMART Family-Link Project" (JCSFL). Inilunsad noong 2018, layunin ng proyekto na gamitin ang makabagong teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon upang suportahan ang mas epektibo at inobatibong paglilingkod na ibinibigay ng lahat ng 26 na Integrated Family Service Centres at Integrated Services Centres na pinapatakbo ng mga NGO (Non-Governmental Organizations) para itaguyod ang kapakanan ng pamilya, at palakasin ang kapasidad ng sektor sa paggamit ng teknolohiya at datos para sa mga inobasyon sa serbisyo para sa pamilya na makatutugon sa umuusbong na pangangailangan ng serbisyo.
Kinakatawan ng proyekto ang multidisiplinaring pagsisikap at kolaborasyon sa pagitan ng mga NGO at akademya upang itaguyod ang digital na pagbabago para sa sektor ng kapakanan. Kabilang sa mga pangunahing bahagi ang pagpapayaman sa mga functionality ng i-Connect, pagbuo ng blended mode ng mga serbisyo, pagpapahusay ng digital capacity building, at pagsasagawa ng data analysis mula sa datos ng serbisyo sa iba't ibang NGO para sa pagbabago at pagpapayaman ng serbisyo.
Kasama sa mga katuwang ng proyekto ang The University of Hong Kong (Department of Computer Science, School of Nursing at Department of Social Work and Social Administration); Hong Kong Baptist University (Department of Social Work); Caritas - Hong Kong; Hong Kong Family Welfare Society; Hong Kong Christian Service; International Social Service - Hong Kong Branch; Christian Family Service Centre; The Hong Kong Catholic Marriage Advisory Council; Hong Kong Children and Youth Services; St. James' Settlement; Tung Wah Group of Hospitals; Hong Kong Sheng Kung Hui Welfare Council at The Neighbourhood Advice-Action Council.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.jcsmartfamilylink.hk.

The Hong Kong Jockey Club Charities Trust
Masasabing nagsimula ang mahabang tradisyon ng Hong Kong Jockey Club sa pagbibigay sa mga gawaing pangkawanggawa noong 1915, ngunit noong dekada 1950, habang nahihirapan ang Hong Kong na makabangon mula sa pagkasira ng digmaan at sa napakaraming dumating na mga imigrante, naging mahalagang bahagi ng operasyon nito ang gawaing ito. Noong 1955, pormal na nagpasya ang Club na italaga ang taunang labis na kita nito sa mga proyektong pangkawanggawa at pangkomunidad, at noong 1959, itinatag ang isang hiwalay na kompanya, ang Hong Kong Jockey Club (Charities) Ltd, upang pangasiwaan ang mga donasyon. Noong 1993, isang bagong entidad ang itinatag, ang The Hong Kong Jockey Club Charities Trust, upang ipakita ang nagbabagong kalikasan, laki, at saklaw ng mga donasyon. Ang Charities Trust ay isa sa sampung pinakamalalaking donor sa kawanggawa sa buong mundo.
Ang malaking donasyon ng Trust sa komunidad ay posible dahil sa natatanging integrated business model ng Club, na kinabibilangan ng karera at aliwan sa karerahan, isang membership club, responsableng pagtaya sa sports at loterya, at mga kawanggawa at kontribusyon sa komunidad. Tinatayang 90% ng taunang operating surplus ng Club pagkatapos ng buwis ay dinodonasyon sa Trust, na nagbibigay-daan dito na gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng komunidad.
Nakikipagtulungan sa Pamahalaan, mga non-governmental organizations (NGOs), mga charitable foundation, at mga kasosyo sa komunidad, ang Trust ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao sa Hong Kong. Bilang isang philanthropic organization, ang Trust ay aktibong tumutukoy at nagpapasimula ng mga proyektong tumutugon sa mga kagyat na pangangailangan ng komunidad at lipunan.
Alinsunod sa nagbabagong pangangailangan ng Hong Kong, ang mga estratehikong pagtutuunan ng Trust sa triennium ng 2022-5 ay binubuo ng limang prayoridad na lugar - Positibong Pagtanda at Pangangalaga sa Matatanda; Pagpapaunlad ng Kabataan at Pag-alis ng Kahirapan; Malusog na Komunidad; Pagpapaunlad ng Talento at Sektor; at Sports at Kultura. Bilang pagkilala sa kahalagahan ng sustainable development, pinauunlad ng Trust ang Sustainability bilang isang ika-anim na prayoridad sa pagpopondo.

CIFA
Ang CIFA ay rehistrado bilang isang kompanyang may limitadong pananagutan (limited liability) at isang organisasyong hindi naglalayong kumita (non-profit) sa ilalim ng mga batas ng Hong Kong. Ito ay isang malayang organisasyon na nagbibigay ng panrehiyong plataporma para sa pagtataguyod ng ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga organisasyon at propesyonal na nagkakapareho ng misyon na "Pagsasama-sama ng Propesyonal na Karunungan para sa Kagalingan ng Pamilya." Ang tungkulin nito ay suportahan at paghusayin ang kapwa interes sa mga inisyatiba sa pananaliksik at pagsasanay, at ibahagi ang mga karanasan sa klinika at pagbubuo ng patakaran sa mga pamilyang natatangi sa rehiyong Asyano.
Ang Inagurasyon at Inaugural Symposium ng CIFA ay ginanap sa The University of Hong Kong noong 2008, na sinundan ng mga biennial Regional Symposium sa Tokyo, Singapore, Shanghai, Seoul, at Taiwan, bawat isa ay umaakit ng average na mahigit 400 kalahok. Kasama sa iba pang pangunahing aktibidad ang mga pananaliksik sa iba't ibang bansa, mga aktibidad sa pagsasanay, ang Asian Award for Advancing Family Well-Being (3A Project), mga aktibidad sa promosyon at pangangalap ng pondo, at pamamahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng website nito at CIFA-NET, ang newsletter.
Matapos magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng CIFA at ng United Nations noong 2014, ang mga kinatawan mula sa UN ay dumalo sa mga aktibidad ng CIFA sa ilang okasyon, kabilang ang Regional Symposium noong 2016 sa Korea, Exchange Programme on 3A Project at Charity Concert For Family Harmony noong 2017, at Asian Family Summit noong 2018 sa Hong Kong. Sa huli, natanggap ng CIFA ang pormal na pagkilala mula sa United Nations, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Special Consultative Status noong 2021, na naglalagay sa CIFA sa pandaigdigang arena, at higit na nasasangkot at aktibong nag-aambag sa mga pandaigdigang pagsisikap na isulong ang kagalingan ng pamilya, lalo na mula sa pananaw ng Asya, isang rehiyon na nagiging mas aktibo at makabuluhan sa mga pandaigdigang pangyayari.
Ang CIFA ay aktibong nakikilahok sa pagkoordina at pag-organisa ng mga aktibidad sa Asya upang suportahan ang panawagan mula sa United Nations na gunitain ang ika-30 Anibersaryo ng International Year of the Family, kabilang ang Expert Group Meeting on Demographic Changes on Ageing of Population in Asia, Family We-Time Campaign at ang Asian Family Summit 2024, at iba pa, na nakakatanggap ng napakagandang puna at suporta mula sa United Nations.
Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang https://www.cifa-net.org/