* Samahan kami! Isumite ang iyong mga larawan at mga likhang pangkulay ngayon! *
Key Visual

Tungkol sa Kampanya

Ang Family We-time Campaign 2025, na isinasaayos ng Consortium of Institutes on Family in the Asian Region (CIFA), ay isinusulong ng Jockey Club SMART Family-Link Project, na inilunsad at pinondohan ng The Hong Kong Jockey Club Charities Trust.

Kami ay nasasabik na pag-isahin ang mga pamilya sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag sa kampanya ngayong taon. Inaanyayahan ang mga kalahok na magpasa ng mga litrato ng pamilya o mga gawaing pangkulay na nakatuon sa dalawa sa mga megatrends na isinusulong ng United Nations: New Technologies (Bagong Teknolohiya) at Urbanisation & Migration (Urbanisasyon at Migrasyon) (Ang iba pa ay ang Pagbabago ng Klima at Pagbabagong Demograpiko).

Layunin ng kampanya na itaas ang kamalayan sa dalawang megatrends na ito, na hinihikayat ang mga pamilya na positibong harapin at tugunan ang mga hamon upang mapabuti ang kapakanan ng pamilya. Maaaring kabilang sa mga tema ang epektibong paggamit ng bagong teknolohiya, pagiging inklusibo sa lipunan, at pagbuo ng mga koneksyon sa lipunan. Ang mga piling gawa ay itatanghal sa isang malikhaing collage sa isang Family We-time Online Gallery. Ang mga kalahok ay makakatanggap ng e-certificate bilang pagpapahalaga pagkatapos magpasa.

Impormasyon sa Pagsusumite

Pangunahing Impormasyon

Pamantayan sa Pagiging Karapat-dapat

  • Nakabatay sa pamilya na may 2 henerasyon o higit pa
  • Maaaring sumali ang mga pamilya sa Asya
  • Ang bawat tao ay maaaring magsumite ng hanggang 5 gawa

Deadline ng Pagsusumite

  • 14 Setyembre 2025, Linggo

Mga Uri ng Pagsusumite

  • Mga larawan ng pamilya at / o pangkulay na mga likhang sining.

Bayarin sa Pagpaparehistro

  • Walang bayad

How to Participate

Para sa pangkulay:
  1. Pumili at i-download ang itinalagang coloring sheet mula sa aming website, i-print ito sa A4 na sukat na papel (297 x 210 mm).
  2. Maaring gumamit ng kahit anong gamit pangkulay o pintura. Hindi pinahihintulutan ang pagkulay gamit ang kompyuter o anumang three-dimensional na pamamaraan tulad ng stickers, glitter, crepe paper, at iba pa.
  3. Maaari kang magdagdag ng mga disenyo sa itinalagang coloring sheet upang pagyamanin ang komposisyon sa pagpapahayag ng mga tema ng Bagong Teknolohiya o Urbanisasyon at Migrasyon.
Para sa Photography:
  1. Ang mga gawa ay dapat orihinal na digital na mga litrato. Anumang pag-eedit sa kompyuter, kabilang ang pagdaragdag, pagbabawas, o pagbabago nang malaki sa mga kulay, ay hindi tatanggapin.
  2. Ang mga larawan ay dapat umayon sa mga tema ng Bagong Teknolohiya o Urbanisasyon at Migrasyon.
Mga Alituntunin sa Pagsusumite:
  1. Pagkatapos magparehistro, isumite ang iyong mga orihinal na digital na litrato o mga gawaing pangkulay sa format na JPEG, JPG, o PNG sa pamamagitan ng aming website.
  2. Limang gawa lang ang pwedeng isumite. Bawat larawan o kulay na ipapasa, hindi dapat lumagpas sa 10 MB ang laki ng file.

Mga Tuntunin at Kundisyon

  1. Ang lahat ng gawa ay dapat isumite sa "Family We-time" na online registration portal. JPEG, JPG, o PNG lamang na mga electronic file ang aming tatanggapin. Kapag naisumite na ito, hindi na po ito maaaring baguhin, palitan, o bawiin. Hindi rin po dapat sumali ang isinumiteng gawa sa iba pang paligsahan o kaganapan.
  2. Dapat orihinal ang mga isinumite at hindi dapat lumabag sa karapatan ng sinuman, tulad ng karapatang-ari, karapatang maglihim, o karapatan sa privacy. Ang sinumang sumuway sa mga patakaran ay hindi pahihintulutang sumali.
  3. Kung ang mga ipinasa ay sumasalungat sa anumang batas, ang lahat ng legal na pananagutan ay sasagutin ng mga kalahok, at ang tagapag-organisa ay hindi mananagot.
  4. Kinakailangan tiyakin ng mga kalahok na ang mga isinumite ay hindi naglalaman ng pornograpiko, marahas, negatibong mensahe o komersyal, relihiyoso, o pampulitikang propaganda, at hindi bumubuo ng paninirang-puri, malaswa, nakakainsulto, pagkakaunawaan ng lahi, o mga isyu ng diskriminasyon.
  5. Hindi pinapayagan ang mga kalahok na magdagdag ng teksto, simbolo, o larawan na maaaring kumatawan sa personal na impormasyon, tulad ng mga lagda, border, at watermark, atbp. sa mga ipapasang likha.
  6. Ang karapatang-ari (copyright) ng lahat ng isinumiteng gawa ay pagmamay-ari ng tagapag-organisa. Karapatan ng tagapag-organisa na suriin ang mga isinumiteng likha at gamitin ang mga ito para sa mga layuning hindi pangkalakalan lamang, kabilang ngunit hindi limitado sa anumang publisidad, eksibisyon, at layunin ng paglilimbag nang walang paunang pahintulot ng mga kalahok at pagbabayad ng anumang bayarin sa karapatang-ari at pananagutang legal.
  7. Ang mga kalahok ay sumasang-ayon na magbigay ng kanilang personal na impormasyon para sa layunin ng pakikipag-ugnayan kaugnay ng kaganapan at pamamahagi ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng tagapag-organisa. Kung nanaisin ng mga kalahok na ipabura sa tagapag-organisa ang kanilang personal na impormasyon pagkatapos ng kaganapan, kinakailangan nilang ipagbigay-alam ito sa tagapag-organisa sa pamamagitan ng email.
  8. Ang resulta ng mga napiling likha na gagamitin sa malikhaing collage ay depende sa desisyon ng organizer, at hindi dapat tumutol ang mga kalahok. Ang desisyon ng organizer ay pinal na.
  9. Dapat maunawaan nang malinaw ng mga kalahok ang mga patakaran ng kaganapan, at ang pagsumite ng mga likha ay nangangahulugang sumasang-ayon silang sumunod at tanggapin ang lahat ng mga tuntunin at kundisyon ng kaganapang ito. Dapat akuin ng mga kalahok ang lahat ng panganib at sila ang mananagot para sa kanilang sariling kaligtasan. Hindi mananagot ang tagapag-organisa para sa anumang pagkawala o pinsala na nagmumula sa o may kaugnayan sa kaganapang ito o sa iba pang panahon habang nagaganap ito.
  10. Ang desisyon ng tagapag-organisa ay pinal pagdating sa interpretasyon at pagbabago ng mga tuntunin at kundisyong ito.